Labels

August 22, 2011

august 2011

At dahil ang buwan ng Agosto ay "Buwan ng Wika", nais ko sanang makibahagi sa pagdiriwang sa pamamagitan pag-post ng ilan sa ating mga salawikaing Pinoy.

Ayon sa wikipedia,
                                   Ang mga salawikain[1][2]kawikaan[1]kasabihan[1]wikain[1], o sawikain[1] ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

(Maari nyong i-click ang mga larawan)

Ang taong mainggitin, lumigaya  man ay sawi rin.



Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.



Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.



Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.


Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.


Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis.


pahabol :
medjo nahirapan akong kuhaan ang ulan.. at ang mga langgam sa bahay namin ay camera-shy. hehe..buti nalang hindi ako pinahirapan ng dalawang walis tingting... ^_^